Home ENTERTAINMENT Jak, may mensahe kay Jameson!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jak, may mensahe kay Jameson!August 7, 2025 18:152700 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- “Mabait si Barbie, alagaan mo lang…”Sa bibig mismo ni Jak Roberto namutawi ang mga katagang ito patungkol sa dating nobyang si Barbie Forteza.Ito ang bilin o payo ng Kapuso actor kay Jameson Blake.Of late, bagama’t kapwa na nila itinanggi ay pinipilit ng ilan na may namumuo sa pagitan nina Barbie at Jameson.Ito’y kung ang pagbabasehan ang mga pagkakataong magkasama sila.Amoy na amoy rin ang sobrang pagiging malapit nila sa isa’t isa.Nitong August 2–sa idinaos na taunang GMA Gala–ay naispatang mismong si Jak ang lumapit kay Jameson.Sighted at the event were Barbie and Jameson na magkahawak ng kamay hanggang sa paglabas ng Marriott Hotel.Hindi ‘yun ang unang pagkikita ninaJak at Jameson.Sa panayam ng 24 Oras kay Jak, tinanong siya tungkol kina Barbie at Jameson.His answer: “Bagay sila. Saka it’s about time!”Obyus na tanggap na ni Jak kung sino ang kanyang kapalit sa puso ni Barbie. Ronnie Carrasco III