Home ENTERTAINMENT Jalosjos brothers, tablado kay Willie!

Jalosjos brothers, tablado kay Willie!

Manila, Philippines- Pinuri ni Cristy Fermin ang pagpapahalaga ni Willie Revillame sa kanyang relasyon sa TVJ.

Dito umikot ang paksang tinalakay ni Cristy sa kanyang radio program nitong Lunes.

Aniya, isang araw raw bago ang makasaysayang pilot episode ng E.A.T. nina Tito at Vic Sotto at ibang Dabarkads sa TV5 ay nagkita-kita si Willie at ang Jalosjos brothers.

Ang mga ito’y sina Jon-jon at Bullet na nagpapatakbo na ngayon ng Tape, Inc.

May kinalaman ang pagkikita nilang ‘yon sa alok ng mga Jalosjos na kung maaari’y mag-guest si Willie sa revamped Eat Bulaga.

‘Yun daw ay para tapatan ang napakalakas na puwersa ng TVJ.

Ani Cristy, simple’t walang paliguy-ligoy ang naging tugon ni Willie sa offer ng magkapatid.

Cristy quoted Willie to have said: “Malaki ang respeto ko sa TVJ. Hindi ko ‘yon magagawa sa kanila.”

May pahabol pang sabi si Willie na kung ang pag-uusapan daw nila ay tungkol sa kanyang programang Wowowin ay game siya.

Matatandaang isa ang Wowowin sa tatlong programa sa AllTV na pansamantalang itinigil ang pagsasahimpapawid hanggang nagpasya na ring kumalas ni Willie sa Villar-owned network.

Dagdag ni Cristy, hindi lang daw dahil sa laki ng respeto ni Willie sa iconic comic trio ang dahilan ng pag-ayaw niya, kundi nanaig din ang pagiging regionalistic ng TV host.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Sotto brothers at si Willie ay mula sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.

Baka nga ang ending pa niyan, eh, mag-guest pa si Willie sa E.A.T. na hindi malayong mangyari.

After all, galing din naman si Willie sa TV5.

Sa mga kaganapan pa naman ngayon sa telebisyon, ang inakala mong imposibleng mangyayari ay nangyayari! Ronnie Carrasco III