Home ENTERTAINMENT James, ‘hopia’ na ikakampanya ni Bimby!

James, ‘hopia’ na ikakampanya ni Bimby!

Manila, Philippines- Asa ka pa?!

Parang ito ang nagkakaisang gustong sabihin ng mga botante sa umano’y panalangin ni James Yap na suportahan ng kanyang anak na si Bimby ang kanyang kandidatura.

Bimby is James’ son with Kris Aquino.

Nakahabol nga si James sa huling araw ng CoC filing.

Tumatakbong konsehal si James sa San Juan City.

Sinamahan daw si James ng kanyang mga supporters–collectively called Yapsters– when he filed his CoC.

Nagkataon daw kasing nagsundo ang kanyang asawang si Michela Cazzola ng kanilang mga anak sa school.

Hindi rin daw pumuwede ang kanyang sister dahil nanganak ito.

Speaking of Bimby, 10 years na palang hindi ito nakikita ni James.

Wala naman siyang binanggit if he ever made any attempt na makipagkita sa anak.

Ayon naman sa mga netizens, mas maganda sana kung hindi pinalipas ni James ang sampung taon unless sinusunod lang niya ang agreement nila ni Kris.

Mas masagwa nga naman kung ipipilit ang pagkikita ng mag-ama kung kailan malapit na ang eleksyon.

Pero ramdam ng netizens ang “silent prayer” ni James na sana’y tumulong si Bimby sa kanyang kampanya.

Sabi naman ng marami, mas uunahin naman daw ni Bimby na asikasuhin ang kanyang inang maysakit kesa kay James.

Oo nga naman. Ronnie Carrasco III