Home ENTERTAINMENT James, kinaray si Issa sa Thailand; Fans, nainis!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES James, kinaray si Issa sa Thailand; Fans, nainis!June 10, 2024 09:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Masagwa mang pakinggan, pero tila ayaw ng mga tagahanga ni James Reid na lumigaya ito sa piling ng nobyang si Issa Pressman.Baket, ang iniilusyon pa rin ba ng mga ito as to who James would end up with ay si Nadine Lustre?Patuloy bang mabubuhay sa nakaraan ang mga fans ng singer-msnager-actor?Can his fans leave the past behind as they look towards the future, kundi man magbunyi kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan?Baket, ano bang meron si Nadine na wala si Issa?Or ano ba ang mga kakapusan ni Issa that she’ll never be able to hold a candle to James’ ex-girlfriend?As expected, hindi ikinatuwa ng mga fans ni James na kinaray ng kanilang idol si Issa sa Bangkok, Thailand.Naroon si James for a luxury brand project.Just when his fans thought na iniwan nitong “nganga” si Issa sa Maynila ay lalo silang nainis.Kelan daw matatauhan si James para mapagtantong wala silang chemistry ni Issa?Bakit naman din kasi mas marunong pa ang mga fans kesa sa mismong may katawan, ‘no!Simple lang naman ang sagot sa mga haters ni Issa: sa kanya lang naman masaya si James!Mahirap bang ipagkaloob ang inalienable right na ‘yon ni James to be happy?Baket, happy na rin naman si Nadine kay Christoph Bariou, ah?So quits lang sila…it’s a tie!Buti na lang, Issa is the type of a girlfriend who doesn’t allow herself to be bothered by what her boyfriend’s fans say about her.Sige, Issa, sa tuwing may event abroad ang jowa mo, make sure na kasama ka! Ronnie Carrasco III