Home ENTERTAINMENT James, may spinal injury, dahilan sa pag-atras sa Penduko!

James, may spinal injury, dahilan sa pag-atras sa Penduko!

Manila, Philippines – James Reid’s loss is Matteo Guidicelli’s gain.

Originally kasi, si James ang napisil ng Viva Entèrtainment para magbida sa pelikulang Penduko.

Isa ang Penduko sa sampung kalahok sa Metro Manila Film Festival sa taong ito.

Kung hindi kami nagkakamali, unang gumanap sa nasabing papel ay si Ramon Revilla Sr.

Ginawan ito ng remake noong dekada nobenta kung saan prodyus ito ng Viva Films with Janno Gibbs playing the title role.

Sa pagba-back out ni James, the iconic role landed on Matteo’s lap.

Pero looking back, kauna-unawa naman ang dahilan kung bakit umatras si James.

Dahilan: spinal injury.

Aniya, nagkaroon daw siya ng pinsala sa kanyang balkat at likod.

Gustuhin man daw niyang ituloy ang proyekto’y hindi niya kakayanin dahil sa kaakibat na physical training required of the bida.

Naiimadyin nga raw ni James ang “rigorous physical demands” na pinagdaanan ni Matteo.

But he was left with no choice daw but to back out.

Saka kung sakali man, ano raw ang saysay na nagpo-promote siya ng pelikula gayong matagal na siyang kumalas sa management arm ng Viva which is VAA?

Besides, between doing movies and pursuing his career in music ay mas matimbang sa puso ni James ang huli.

Nakabuti na rin na hindi si James ang natuloy bilang bida if only to avoid questions at the film’s mediacon tungkol sa “sablay” na gimmick nila ng nobyang si Issa Pressman.

Baka hindi umubra ang powers ni Penduko sa pagsalag sa “panunumbat” ng press sa pagiging gimmick couple nila. Ronnie Carrasco III

Previous articleSeguridad sa tubig isinusulong ni Tolentino
Next article2 patay sa M-7.4 na lindol sa Surigao – OCD