Home HOME BANNER STORY 2 patay sa M-7.4 na lindol sa Surigao – OCD

2 patay sa M-7.4 na lindol sa Surigao – OCD

MANILA, Philippines – Umakyat na sa dalawa ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2, ayon sa ulat ni Office of Civil Defense (OCD)-Caraga director Liza Mazo nitong Lunes, Disyembre 4.

“‘Yung reported kagabi ni Gov. Pimentel may dalawang death. Although ina-assess natin, meron naman tayong management of the dead and missing na cluster… Sabi ni Gov. may dalawa reported, may isa sa Bislig due to collapsed walls and isa rin sa Barobo,” ani Mazo sa isang public briefing.

Aniya, ang siyam na indibidwal na nasaktan ay wala sa kritikal na kondisyon.

Nauna nang iniulat na isang ina sa Tagum City, Davao del Norte ang nasawi nang gumuho ang pader ng tirahan nito sa kasagsagan ng lindol.

Isinugod pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. RNT/JGC

Previous articleJames, may spinal injury, dahilan sa pag-atras sa Penduko!
Next article2 tulay sa Mindanao, limitadong madaraanan sa epekto ng lindol