Home NATIONWIDE 2 tulay sa Mindanao, limitadong madaraanan sa epekto ng lindol

2 tulay sa Mindanao, limitadong madaraanan sa epekto ng lindol

MANILA, Philippines – Limitado lamang na padaraanan ang dalawang tulay sa Mindanao dahil sa mga tinamong pinsala dulot ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2.

Sa report nitong Lunes, Disyembre 4, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang mga tulay na ito ay ang ABS-CBN-Quimpo Blvd. Road, Bolton Bridge 1 sa Davao City, at Tago – Gamut Bridge sa Surigao del Sur.

Nagpapatuloy ang assessment sa mga tulay na ito dahil sa tinamong pinsala.

Mga light vehicles lamang ang papayagan na makadaan sa mga tulay na ito.

Ang ibang mga sasakyan ay inabisuhan na maghanap ng alternatibong ruta.

Nagpapatuloy din ang post-earthquake assessments sa iba pang istruktura at gusali ng Department of Education at iba pang opisina ng pamahalaan.

Samantala, ang iba pang national road at tulay sa Davao Region at Caraga ay madaraanan ng lahat ng uri ng mga sasakyan. RNT/JGC

Previous article2 patay sa M-7.4 na lindol sa Surigao – OCD
Next articleDagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad