Maging si James Blanco ay naniniwalang may halong pulitika ang pagkakadakip sa Pandi, Bulacan mayor at film producer na si Enrique Roque sa kasong rape.
Bukod kay Roque, may nadamay pang dalawang indibidwal.
Sa Caloocan City nakasampa ang kaso ng umano’y isang menor de edad na babaeng habang sinusulat ito’y hindi pa pinapangalanan.
Matagal na raw kaibigan ni James si Roque.
Dahil kilala niyang mabuting tao ito na marami ang natutulungan kung kaya’t nagtataka siya sa pagkakasangkot nito sa nasabing kaso.
Ayon sa iniulat ng showbiz program ni Morly Alinio sa DZRH, ni hindi nga raw kilala ni Roque ang nagreklamo.
Handa namang magbigay ng pahayag si Roque.
Si Roque ay makaapat na beses nang sumasali sa Metro Manila Film Festival.
Siya ang may-ari ng CineKo Productions.
Una nitong ipinrodyus ang remake ng Chiquito movie na MangKepweng na pinagbidahan ni Vhong Navarro.
Taong 2022 nang iprodyus ng kumpanya ang Family Matters tampok sina Noel Trinidad, Liza Lorena atbp.
Last year nang iprodyus ng CineKo ang Family of Two nina Sharon Cuneta at Alden Richards.
Ngayong 2024, isa ang CineKo sa mga nagprodyus ng Espantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino alongside Quantum Films and Purple Bunny.
Dahil mag-eeleksyon nga naman, karaniwan na ang mga ganitong usapin para siraan ang mga tatakbo sa posisyon lalo’t malakas ang kanilang tsansang manalo. Ronnie Carrasco III