MANILA, Philippines – Patay ang isang anim na taong gulang na batang babae na mamamasko sana nang salpukin ng SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Naga, Cebu.
Sugatan naman ang ama at ina nito na sakay din ng naturang motorsiklo.
Sa ulat, patungo sa bayan ng San Fernando ang pamilya para mamasko nang mangyari ang insidente.
Patay ang bata, habang sugatan naman ang magulang nito particular ang padre de pamilya na kritikal ang lagay.
Bukod sa motorsiklo, binangga rin ng SUV ang isang bahay na minamaneho umano ng isang 21-anyos na drayber.
Nakatulog umano ang drayber dahil sa sobrang antok dahil wala itong maayos na tulog dahil sa lamay ng kanya ring yumaong ina.
Humingi ng paumanhin ang drayber ngunit desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ito ng kaso. RNT/JGC