MANILA, Philippines – Umakyat na sa isa ang bilang ng nasawi sa nangyaring aksidente sa NLEX sa bahagi ng San Fernando, Pampanga nitong Bisperas ng Pasko, Disyembre 24.
Pumanaw na kasi ang lola na kabilang sa 31 indibidwal na nasugatan sa nangyaring aksidente.
Ayon sa ulat, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na kabilang sa sakay ng mini bus na bumaliktad nang makabanggaan ang isang AUV.
Itutuloy naman ng kaanak ng pamilya ng biktima ang pagsasampa ng reklamong reckless imprudence resulting to homicide laban sa drayber ng mini bus at AUV.
Sa imbestigasyon, nawalan umano ng control ang drayber ng mini bus saka bumangga sa AUV. RNT/JGC