Home NATIONWIDE VP Sara handang humarap sa impeachment complaints

VP Sara handang humarap sa impeachment complaints

MANILA, Philippines – Handang harapin ni Vice President Sara Duterte ang tatlong impeachment complaints na inihain laban sa kanya.

Ani Duterte nitong Miyerkules, Disyembre 25, wala siyang nilabag na anumang batas kaya handa siyang humarap sa mga kasong ito.

Naka-abang din aniya ang mga abogado niya para depensahan siya sa trial. Handa ring maging isa sa mga abogado ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Well, I am confident that I did not break any law. I did not do anything illegal… Kapag nandiyan na ang kaso, haharapin pa rin namin,” ayon sa Bise Presidente.

Kasalukuyang nahaharap si Duterte sa tatlong impeachment complaints na inihain laban sa kanya dahil sa umano’y maling paggamit ng P612 milyong confidential funds ng Office of the Vice President.

“So, okay din ‘yung impeachment case dahil ako lang ang tinitira doon, ako lang iniimbestigahan noon. Ako lang ang inaatake ng impeachment case. Hindi na kasali ang nga kasamahan ko sa OVP and mga dati kong kasama sa DepEd. Masagot na ng final kung ano ‘yung mga inaakusa nila sa akin,” aniya. RNT/JGC