Manila, Philippines – Magkasalungat ang bersyon ni Jameson Blake at ng production designer ng pelikulang pinagsamahan nila tungkol sa paggamit ng plaster ng aktor sa mga sizzling scenes nila ni Lovi Poe.
Along with JM de Guzman, tampok sina Lovi at Jameson sa pelikulang Guilty Pleasure.
Co-produced ito ng itinatag na film outfit ni Lovi.
Isa nga sa mga dapat abangan ay ang maaalab na eksena nina Lovi at Jameson.
A scene, for example, required Jameson to wear a plaster to cover his private parts.
Nang tanungin ito kung ginawa nga niya ‘yon, Jameson confessed to putting on plaster and tissue.
Ito’y makaraang tanggalin niya ang kanyang tuwalya, thus exposing kung gaano kakinis ang kanyang buong kahubdan.
Pero hindi raw ito totoo, ayon sa production designer o PD ng pelikula.
Sey nito, paano raw mangyayari ang gustong palabasin ni Jameson gayong walang budget ang dalawa pa manding production companies para sa plaster na gagamitin niya?
Tila imposible ito dahil bukod sa Regal Entertainment at kumpanyang pag-aari ni Lovi, para plaster lang ay wala silang budget?
Magkano lang ba ang plaster?
Isang rolyo ba nito ang ikokonsumo ni Jameson para matakpan lang ang kanyang private parts?
Before the aƧtual take, bakit hindi naisip ng PD na magpabili ng plaster?
Was this not a consideration na dapat isinaalang-alang nila even before the scheduled shoot?
At si Lovi–kumportable ba siya na walang plaster ang kaeksena niya lalo’t maselan ang mga kukunang scenes?
Obyus namang minamaliit ng dalawang produksyon ang sensibilidad ng publiko!
Gamitin bang “promo slant” ang walang kamuwang-muwang na plaster?