MANILA, Philippines- Tumama ang magkahiwalay na sunog sa residential areas sa Caloocan City at Parola Compound sa Manila nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa Caloocan City Fire Station, sumiklab ang sunog sa Josefina street, 3rd Avenue, Barangay 120 lampas alas-9 ng umaga.
Idineklara ang first alarm ng alas- 9:39 ng umaga at second alarm ng alas-9:50 ng umaga.
Umabot pa ito sa third alarm pagtuntong ng alas-10:30 ng umaga.
Samantala, iniulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa Gate 17, Barangay 20, Parola Compound.
Umabot ito sa first alarm ng alas-9:59 ng umaga at idineklarang under control pagsapit ng alas-10:20 ng umaga. RNT/SA