Home METRO Pinakamahabang tulay sa M’danao pinasinayaan ni PBBM

Pinakamahabang tulay sa M’danao pinasinayaan ni PBBM

MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang inagurasyon ng 3.17-kilometrong Panguil Bay Bridge Project.

Ito ang itinuturing na pinakamahabang sea-crossing bridge sa Mindanao na naglalayong mapahusay ang pagkakakonekta at palakasin ang economic progress sa rehiyon.

Ang P8.026-billion Panguil Bay Bridge Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay kumokonekta sa Tangub City sa Misamis Occidental at bayan ng Tubod sa Lanao del Norte.

Ang actual work ng disensyo at konstruksyon ng two-way, two-lane bridge na nagkokonekta sa Misamis Occidental at Lanao del Norte provinces ay nagsimula noong Pebrero 28, 2020 at nakumpleto ngayong buwan.

Sinasabing mababawasan ang land travel time sa pagitan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte ng pitong minuto lamang mula sa mahigit dalawang oras.

Sa kasalukuyan, ang byahe ay umabot ng dalawa’t kalahating oras sa pamamagitan ng Roll-On, Roll Off (RoRo) vessels mula Ozamiz hanggang Mucas sa Lanao del Norte o 100-kilometer route via Tangub-Molave-Tubod road o Tangub-Kapatagan-Tubod road.

Inaasahan din na maaayos ng Panguil Bay Bridge Project ang transport systems na nag-uugnay sa coastal areas ng rehiyon at mapabibilis ang 24/7 na pagkilos ng mga tao, kalakal at serbisyo, itinutulak ang paglago ng ekonomiya sa mga nakapaligid na lugar.

“The bridge is made up of a 360-meter approach road leading to a 1,020-meter approach bridge on the Tangub City side, alongside a 569-meter approach road connecting to a 900-meter approach bridge on the Tubod side,” ayon sa ulat.

“It also features an extra-dosed main bridge, with 320-meter central span, supported by two pylons standing 20 meters tall, anchored by six cable stays, and complemented by a lighting system, providing structural support and enhancing bridge aesthetics and safety for nighttime travel,” batay pa rito.

Ang proyekto ay ginamitan ng advanced Korean bridge technology, kabilang na ang reverse circulation sa pag-drill ng barges para makalikha ng boreholes at paglulunsad ng makapal na permanent steel casings gamit ang revolving crane barges at vibro pile hammers.

Samantala, ang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng loan agreement na nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Korean Export-Import Bank noong 2016.

Ang Panguil Bay Bridge Project ay isa sa 198 high-impact priority infrastructure flagship projects sa ilalim ng “Build, Better, More” program ng administrasyong Marcos. Kris Jose