Home NATIONWIDE Tolentino: Rental method magpapalakas sa naval, police assets

Tolentino: Rental method magpapalakas sa naval, police assets

General Malvar Rites- Pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang 159th Birthday Ceremonies ni General Miguel Malvar sa Sto. Tomas, Batangas kung saan pinuri niya ang kabayanihan at paghahanap ng pambansang pagkakaisa nito.

MANILA, Philippines- Inihayag ni Sen. Francis “Tol” Tolentino na dapat ikonsidera ng gobyerno ang “rental method” sa pagkuha ng mga asset upang palakasin ang kapabilidad ng pulisya at hukbong pandagat ng Pilipinas.

Sinabi ni Tolentino na maraming bansa, kagaya ng Singapore, Australia, France, United Kingdom, Japan, at India, ang umaarkila ng mga asset ng hukbong-dagat at pulis mula sa ibang mga bansa upang pahusayin ang kanilang kakayahan nang hindi gumagastos ng malaki sa pagbili at maitenance.

Nauna na ring iminungkahi ng senador sa gobyerno na mag-arkila ng mga barko mula sa ibang bansa matapos umalis ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal noong Setyembre 13 kaya dinagsa ng mga Tsino.

Sa pakikipag-usap kay Commander John Percie A. Alcos, direktor ng Philippine Navy Public Affairs Office, sinabi kay Tolentino na halos limang taon bago makuha ng gobyerno ang 32-meter attack at missile-capable ships sa Israel, mula sa procurement approval hanggang paghahatid ng asset.

Inihayag ni Alcos na ang yugto ng pagpaplano sa pagkuha ng mga asset ay nagsimula noong 2016, ang request for procurement ay naaprubahan noong 2019, ang kontrata ay naaprubahan noong 2022, at ang paghahatid ng mga asset ay inaasahang matatapos sa 2024.

Sang-ayon si Alcos sa senador sa panukalang palawakin ang naval fleet sa pamamagitan ng pag-upa mula sa ibang bansa, na aniya ay magiging force multiplier para sa Hukbong Dagat ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Tolentino ang mga benepisyo ng pag-upa ng assets ng maritime mula sa ibang bansa, tulad ng Singapore, na na-aquire ang submarino nito sa pamamagitan ng lease sa Sweden, at nagpalakas sa mga puwersang pandagat nito.

Binanggit niya ang isang kuwento mula kay PGen. Rommel Francisco Marbil, na nagsabi sa kanya na ang Australia ay umuupa rin ng mga asset para sa pulisya nito, tulad ng mga sasakyan at ambulansya.

“Ang pag-upa ng mga asset upang i-upgrade ang kakayahan ng ating puwersa ay isang kasanayan para sa maraming bansa, kabilang ang Estados Unidos, kasama ang logistic support ships ng mga marino ay sa pamamagitan ng rental method,” sabi ni Tolentino. RNT