Home ENTERTAINMENT Janine, dedma sa Paulo-Kim romance!

Janine, dedma sa Paulo-Kim romance!

Manila, Philippines- ‘Di hamak na mas inaatupag ni Janine Gutierrez ang walang patumanggang pagpe-flex ng kanyang sexy photos all splattered on social media than giving out reaction sa sinasabing relasyon nina Kim Chiu and Paulo Avelino.

As we all know, si Kim daw kasi ang ipinalit sa kanya ni Paulo.

May isang larawan si Janine na nasa swimming pool siya oozing with sex appeal ang Kapamilya actress in her white bra and undies.

Dedma nga si Janine sa mga comments ng netizen.

Inuurot kasi siyang mag-react sa KimPau tandem lalo’t may pelikula silang pino-promote ngayon.

But come to think of it, why force Janine to vent her reaction?

In the first place nga naman daw, wala naman silang inamin ni Paulo how far their closeness has gone.

In the same manner, paano raw aamin sina Janine and Paulo that they broke up kung “wala” namang namagitan sa kanila at all?

In fairness, the PauNine fans find delight out of re-watching their first ever teleserye, ang Marry Me, Marry You.

Kesehodang luma na raw ang palabas na ito’y nag-e-enjoy pa rin daw ang kanilang fans na ulit-ulitin ang panonood nun.

As far as their fans are concerned, sure silang hindi interesado si Janine na mag-react sa Paulo-Kim rumored romance.

Kuntento na raw ang kanilang idolo na ipagbuyangyangan ang kanyang kaseksihan as though may dapat panghinayangan si Paulo. Ronnie Carrasco III