BANGKOK- Nagsimula nang dumagsa ang foreign rescue teams sa Myanmar nitong Sabado upang tumulong sa paghahanap sa survivors mula sa lindol na kumitil sa mahigit 1,000 indibidwal sa Southeast Asian nation.
Pumalo ang death toll sa Myanmar sa 1,002, base sa military government nitong Sabado, mula sa inisyal na state media reports na 144 nasawi noong Biyernes.
Nasa siyam na indibidwal naman ang namatay sa Thailand, kung saan niyanig ng 7.7 magnitude quake ang mga gusali at nagpabagsak sa isang ginagawang gusali sa Bangkok, dahilan upang hindi makalabas ang 30 indibidwal at mawala ang 49.
Batay sa predictive modelling ng US Geological Service, maaaring lumampas ang death toll sa 10,000 sa Myanmar at maaaring magresulta sa pagkalugi na lampas sa annual economic output ng bansa.
“Search and rescue operations are currently being carried out in the affected areas,” pahayag ng junta snitong Sabado. RNT/SA