MANILA, Philippines- Umakyat ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa mula January 1 hanggang March 15, 2025 sa kabuuang 76,425, base sa Department of Health (DOH).
Mas mataas ito ng 78% kumpara sa 42,822 na naitala sa parehong period noong nakaraang taon, base sa DOH.
Samantala, ang case fatality rate ay nananatili sa mas mababa sa 1%.
Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na kaso ng dengue ang CALABARZON, may 15,108 kaso, National Capital Region a 761 kaso, at Central Luzon sa 12,424 kaso.
Karamihan sa mga pasyente at 14-anyos pababa.
Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na linisin ang mga lugar na maaaring magsilbing breeding grounds para sa mga lamok. RNT/SA