Home HOME BANNER STORY Unang araw ng local campaign period ‘generally peaceful’ – PNP

Unang araw ng local campaign period ‘generally peaceful’ – PNP

Larawan kuha ni Val Leonardo

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ang unang araw ng local campaign period para sa Eleksyon 2025 nitong Biyernes, Marso 28, ay “generally peaceful” kung saan walang naitalang major incidents sa bansa.

Sinabi ng PNP nitong Sabado na nagpatupad ito ng mahigpit na security measures sa pakikipagtulungan sa Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang law enforcement agencies upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa pag-arangkada ng 45-day local campaign period.

“The PNP is fully prepared to safeguard the democratic process and ensure a peaceful campaign period. We will not tolerate any form of election-related violence or illegal activities that threaten the integrity of the elections. Our security forces are ready to respond to any untoward incidents,” pahayag ni PNP chief Police General Rommel Marbil.

Tiniyak ng PNP chief ang patuloy na commitment ng police organization sa pagsiguro sa kaligtasan ng bansa sa campaign period, kung saan nagpairal ng operational checkpoints at gun ban.

“The PNP urges the public to remain vigilant, report any election-related violations, and fully cooperate with authorities to uphold a clean, honest, and peaceful electoral process,” ayon pa sa PNP.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa isang panayam nitong Sabado na mapayapa ang pagsisimula ng local campaign period.

“Naging maayos ang unang araw ng kampanyahan… Bagama’t tone-toneladang materials ang ating tinanggal,” anang opisyal.

Kasado ang campaign period para sa national candidates mula February 11 hanggang May 10. Aarangkada ang campaign period para sa local positions hanggang May 10, 2025.

Hindi maaaring mangampanya ang mga kandidato sa April 17 (Maundy Thursday), April 18 (Good Friday), May 11 (gabi ng Election Day), at May 12 (Election Day). RNT/SA