Home ENTERTAINMENT Janine, ninenega sa bagong ABS-CBN serye!

Janine, ninenega sa bagong ABS-CBN serye!

Manila, Philippines – Ambivalent ang mga reaksyon ng mga netizens sa nilulutong drama series ng Dreamscape.

Siyempre, sa ABS-CBN eere ang wala pang pamagat na serye.

Pero kumpleto na ang tatlong bibida rito na incidentally ay sa letrang “J” nagsisimula ang mga pangalan.

Sila’y sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Jodi Sta. Maria.

Most of the netizens’ reactions are positive base sa casting pa lang.

Pero hindi rin maiaalis na ngayon pa lang ay may mga nagnenega na kay Janine.

Una raw kasi sa lahat, of the three main cast members ay si Janine lang ang bukod-tanging hindi nagsimula sa ABS-CBN.

Public knowledge that Janine traces her roots to GMA.

At kung matatandaan, napulaan si Janine because of her “uncalled for comment” patungkol kay Bong Revilla.

Para na lang siguro makaiwas sa matinding backlash, nagdesisyon si Janine to jump ship.

At ang buena mano nga niyang teleserye sa nilipatang istasyon was Marry Me, Marry You where her reported romance with Paulo Avelino blossomed.

Kahit galing sa GMA, marami naman ang nagtanggol kay Janine na hindi puwedeng menosin ang pag-arte.

Urian Best Actress lang naman si Janine na kayang-kayang makipagsabayan kina Jericho at Jodi.

To top it all, hindi na mahalaga ang pinanggalingan ni Janine kundi kung saan ang direksyon niya sa ngayon. Ronnie Carrasco III