Home HOME BANNER STORY Luzon, Visayas grids isasailalim sa yellow alert ngayong Lunes, Mayo 20

Luzon, Visayas grids isasailalim sa yellow alert ngayong Lunes, Mayo 20

MANILA, Philippines- Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon at Visayas grids sa ilalim ng yellow alert nitong Lunes dahil 30 power plants ang hindi magamit.

Base sa NGCP, inilalabas ang yellow alert “when the operating margin is insufficient to meet the transmission grid’s contingency requirement.”

Base sa abiso nito kaninang alas-8 ng umaga, itataas ng grid operator sa yellow alert status ang Luzon mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon.

Iniulat ng NGCP na 2,040.8 megawatts ang unavailable sa rehiyon sa gitna ng 19 power plants na nasa forced outage, habang apat ang nagsasagawa ng operasyon sa “derated capacity.”

Isasailalim din ang Visayas sa yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Sinabi ng grid operator na 553.4 megawatts ang unavailable sa Visayas mula nang mag-offline ang 14  planta. RNT/SA