Home ENTERTAINMENT Janine, produ na; docu film na ‘Pilita,’ wala nang atrasan!

Janine, produ na; docu film na ‘Pilita,’ wala nang atrasan!

294
0

Manila, Philippines – Actress-film producer.

Ito na ngayon ang bagong career peg ni Janine Gutierrez.

Bukod sa pagiging aktres, producer na rin siya—this via the documentary film titled Pilita.

Kuwento lang naman ito ng buhay ng kanyang lola—o kung tawagin niya’y Mamita—no less than Pilita Corrales, Asia’s Queen of Songs.

Tiniyak ni Janine na, sa kabila ng delay, tuloy na tuloy na ang nasabing docu film.

Si Baby Ruth Villarama ang dokumentarista’t direktor nito.

Ani Janine, for a while ay kinailangang itigil ang paggawa dahil nakatuon ang pamilya nila sa mga isyung pangkalusugan ni Pilita.

Dagdag pa niya, mas maganda sana ang kalalabasan ng proyekto kung mas matagal niyang nakasama ang kanyang lola.

Lesson learned para kay Janine: kung pursigido ka sa isang proyekto—never procrastinate.

Nang tanungin tungkol sa core values ng pelikula, giit ni Janine: layunin nitong preserve ang kamangha-manghang legacy ni Pilita Corrales.

Mabuti raw na matuklasan ito ng mas batang henerasyon dahil si Pilita ay “defied all expectations and paved the way for it.”

Siyempre, all-out ang suporta ng nobyo ni Janine na si Jericho Rosales. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here