Home NATIONWIDE Pagka-abswelto ni De Lima sa drug case, pinagtibay ng korte

Pagka-abswelto ni De Lima sa drug case, pinagtibay ng korte

285
0

MANILA, Philippines – Nanindigan si Muntinlupa RTC Judge Abraham Joseph Alcantara sa inilabas nitong desisyon noong Mayo 2023 na abswelto si Senador Leila de Lima at ang dating driver nito na si Ronnie Dayan sa kasong illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons.

Sa isinumiteng tugon sa Court of Appeals, iginiit ni Alcantara na sapat na basehan para idura ang kaso ang pagbawi ni dating Bureau of Corrections Director Rafael Ragos sa kanyang testimonya laban kay De Lima.

Sinabi ni Judge Alcantara na mahalagang aspeto sa kaso ang testimonya ni Ragos para patunayan ang kaso laban kay De Lima at ang pag-atras nito ay nagbigay ng reasonable doubt sa mga bintang laban sa dating senador.

Magugunita na ipinawalang bisa ng Court of Appeals 8th Division ang desisyon ni Alcantara at iniutos na ibalik sa mababang korte ang kaso.

Sinabi ng CA na bigo ang Muntinlupa RTC na talakayin ang mga “proven facts” at batas na pinagbasehan sa pag-abswelto kay De Lima. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here