Home ENTERTAINMENT Janus niresbakan!

Janus niresbakan!

Manila, Philippines- Toast of social media ngayon si Janus del Prado if only for his catty post on his Facebook account.

Part of his post reads: “Those who criticized those who who were transferring before have now transferred…lol!”

Obyus ang ilang taong pinatatamaan ni Janus.

In particular, he was taking a swipe at the hosts of It’s Showtime, ang programang napapanood na sa GMA simula nitong April 6.

‘Di pa nakuntento at wari’y nanggigigil, tinawag na “hypocrites” ni Janus ang mga ito.

Malinaw kung ano ang pinagbasehang peg ng aktor.

‘Yun ay walang iba kundi ang paglipat noon ng close friend niyang si Bea Alonzo from ABS-CBN to GMA.

Binash nga nang todo si Bea ng mga kasamahan ding artista sa Kapamilya network.

Pero may mga netizens na ipinaunawa kay Janus na in reality, wala naman talagang Kapamilya star ang lumipat sa GMA.

Dahil technically, it’s the show o ang It’s Showtime ang lumipat sa ibang platform.

Its host led by Vice Ganda–kahit sa GMA na napapanood tuwing tanghali–ay mga Kapamilya pa rin.

Sabi pa kasi ni Janus ay “bilog ang mundo.”

So ibinalik din ng mga netizens sa kanya ang tinuran niyang ‘yon.

Sa isang banda’y kauna-unawa naman where Janus is coming from.

Aniya, ang pinakamahalagang leksyong mapupulot dito ay: huwag na huwag magsasalita nang tapos.

Pagkatapos nga namang siraan ng iba ang GMA ay ito pa pala ang magsasalba sa kanila!

Pero mas makabubuting mag-move on na rin si Janus.

As one of Showtime hosts Teddy Corpuz said on his social media post: “Love, love, love!” Ronnie Carrasco III