Home NATIONWIDE Japan ‘di pa nagpaplano ng escort mission sa Hormuz

Japan ‘di pa nagpaplano ng escort mission sa Hormuz

150
0

JAPAN – Walang plano ang Japan na magpadala ng naval vessels para mag-escort sa mga barko sa Middle East, ayon kay Prime Minister Sanae Takaichi.

Ito ay kasunod ng panawagan ni US President Donald Trump sa mga ka-alyado na protektahan ang mga tanker na tumatawid sa Strait of Hormuz.

“We have not made any decisions whatsoever about dispatching escort ships. We are continuing to examine what Japan can do independently and what can be done within the legal framework,” sinabi ni Takaichi.

Ngayong linggo ay nakatakdang bumyahe si Takaichi patungong Washington para makipagpulong kay Trump na ayon sa kanya ay sasakop sa isyu ng kaguluhan sa Iran.

“I would like to engage in solid discussions based on Japan’s views and position regarding the need for early de-escalation,” sinabi ni Takaichi sa mga mambabatas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here