DUBAI – Nagdulot ng sunog sa international airport sa Dubai ang drone-related incident.
“A drone incident in the vicinity of Dubai International Airport (DXB) affected one of the fuel tanks,” sinabi ng Dubai Media Office.
“Dubai Civil Defense teams are currently working to bring the fire under control,” dagdag pa.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nangyaring insidente.
Noong Miyerkules, sinabi ng city media office na ikinasugat ng apat na indibidwal malapit sa paliparan ang dalawang bumagsak na drone.
Nagpakawala ang Iran ng mahigit 1,800 missile at drone sa United Arab Emirates kasama ng iba pang bansa mula nang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng United States at Israel laban sa Iran.
Target ng Iran ang mga asset ng US ngunit nadadamay na rin ang mga civilian infrastructure, kabilang ang landmarks, paliparan, pantalan at oil facilities sa Gulf. RNT/JGC