MANILA, Philippines – Opisyal nang nagsimula ang P2.3 bilyong halaga ng expansion ng Japanese firm na Sanyo Denki Philippines na magpapalakas sa operasyon nito sa loob ng Subic Bay Free Port.
Sa pahayag nitong Martes, Abril 2, sinabi ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na kabilang sa expansion ng kompanya ay ang phase 4 na mangangailangan ng karagdagang workforce na 1,500.
Layon ng Sanyo Denki na pataasin ang produksyon nito ng uninterrupted power supplies (UPS), cooling fans, servo amplifiers, at stepping motors.
Noong Marso 22, ay pinangunahan ng mga opisyal ng Sanyo Denki ang blessing at inauguration ceremony para sa phase 4 expansion sa Subic Techno Park.
Nagpasalamat naman si Sanyo Denki Philippines Inc. President at CEO Hirokazu Takeuchi, Chairman Chihiro Nakayama, at Director Koichi Uchibori sa SBMA sa suporta nito sa expansion plans ng Japanese company.
Ang Subic Bay Freeport ang ikalawang tahanan ng Sanyo Denki kasunod ng parent company nitong Sanyo Denki Co. Ltd. na nakabase sa Tokyo, Japan. RNT/JGC