Home METRO Japanese gang leader, nakatakdang ipa-deport ng BI

Japanese gang leader, nakatakdang ipa-deport ng BI

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG ipatapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa ang isang notoryus na Japanese gang leader ng isang kilalang sindikato sa Japan.

Kinumpirma ng BI na si Tomohiro Koyama, 49, ay nasa kanilang kustodiya at kasalukuyang nakakulong sa kanilang holding facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.

Nabatid na naging laman ng mga balita kamakailan si Tomohiro matapos itong bansagan na bilang “No. 3” na tao ng gangster syndicate na “JP Dragon”, na iniulat na nakagawa ng sunud-sunod na marahas na krimen sa Japan.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Tomohiro ay unang inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Enero 2024 dahil sa Estafa na paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code in Relation to Presidential Decree 1689.

Nahaharap umano ang nasabing Hpaon sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pag-aresto sa nabanggit na dayuhan, nadiskubre na mayroon itong mga baril at bala, pati na rin ang hinihinalang droga.

Batay sa rekord ng BI, dumating si Tomohiro sa bansa noong 2019 at kasama sa blacklist noong 2020 matapos makatanggap ng impormasyon ang ahensya mula sa mga awtoridad ng Japan tungkol sa kanyang mga krimen.

Ipinaalam ng gobyerno ng Japan sa BI na si Tomohiro ay pinaghahanap sa Japan para sa pagnanakaw at hinahangad na i-deport siya.

Si Tomohiro ay nasa blacklist bilang isang undesirable alien at isang malawakang paghahanap ang isinagawa na humantong sa kanyang pag-aresto sa pamamagitan ng CIDG, at sa huli ay itinurn-over sa BI noong Pebrero.

Tinukoy ng mga artikulo ng balita na si Tomohiro at ang 55-anyos na si Takayuki Kagoshima bilang mga miyembro ng sindikato ng “JP Dragon”. Ang huli ay inaresto ng fugitive search unit (FSU) ng BI noong Marso 4 sa Pasay City. JAY Reyes

Previous article3 sugatan sa sunog sa Valenzuela
Next articleSchool-based associations pinuri ng PSC