Manila, Philippines – Mananatiling Kapamilya ang aktor na si JC de Vera matapos itong pumirma ng panibagong kontrata.
Way back 2013 nang lumipat ang aktor mula sa Kapuso papunta sa ABS CBN at simula no’n ay wala raw syang pagsisi sa naging desisyon dahil nahasa nang husto ang kanyang craft bilang aktor.
Kaya naman always looking forward daw si JC sa contract signing niya as Kapamilya, dahil panibagong opurtunidad daw ito na mag-grow pa siya as an actor.
Pagtanaw niya sa mahigit 21-years niya sa showbiz, ang masasabi raw niya na biggest challenge sa career ay ang longevity.
‘Yon ay kung paano niya napatagal ang sarili sa industriya at kung paano napanatiling exciting pa rin ang kanyang career.
Nagpapasalamat naman daw siya sa kanyang mother network na hindi pa rin siya pinakawalan.
Still growing as an actor, motivated at excited pa rin daw si JC sa mga gagawing projects in the future.
Sa Kapamilya ay nabansagan daw siyang versatile actor which is nakaka-pressure sa kanya, pero up to the challenge raw siya.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang yumaong manager na si Leo Dominguez.
Sa huli, masayang binahagi ni JC na sa tuwing magsa-sign daw siya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN ay buntis ang asawang si Rikkah tulad na lamang daw ngayon, na preggy ito sa pangatlo nilang anak. Rommel Placente