Home ENTERTAINMENT Jean, malapit nang magretiro!

Jean, malapit nang magretiro!

Manila, Philippines- Babaeng walang pahinga.

Ewan kung flattering ang bansag na ito kay Jean Garcia, but this is exactly what she amounts to.

Tampulan nga ng bonggang-bonggang pangangantiyaw ang aktres ng mga kapwa niya artista dahil sa kanyang walang kapaguran sa pagtatrabaho.

Bibihira nga ang tulad ni Jean na hindi kinasasawaan ng mga manonood.

Imagine, may show siya sa hapon, hanggang primetime!

May dahilan naman pala ang sipag ni Jean.

This early kasiy naka-set na ang kanyang isip sa pagreretiro nang mas maaga.

As in Jean’s goal is to turn her back on showbiz five years from now.

Doing simple math, babu na siya sa 2030!

Ayaw daw ni Jean na umaarte pa raw siya when she reaches 60.

Sa ngayon, pinag-iipunan ni Jean ang kanyang binabalak na magbiyahe na lang.

I-enjoy man lang daw niya ang fruits of her hard labor while living a quiet, meaningful life in her twilight years. Ronnie Carrasco III