Home ENTERTAINMENT Jean, nag-enjoy sa mga mangingisda!

Jean, nag-enjoy sa mga mangingisda!

158
0

Manila, Philippines – Sa ibang paraan inilaan ni Jean Garcia ang nagdaang Palm Sunday–hindi sa simbahan para magdasal kundi sa dagat kapiling ang mga mangingisda.

Ito ang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account.

Makikita si Jean sa ibabaw ng bangka na kasamang humahango ng mga huli sa dagat, partikukar ng isdang hiwas.

Nagkakakawag pa ang mga isdang ‘yon na umaapaw sa dami.

Caption ni Jean: “Palm Sunday: A day to thank God for all our blessings. Blessed is the King who comes in the name of the Lord”– Luke 19:38.”

Nagpasalamat ang beteranang aktres sa aniya’y wonderful people of Tibiao, Antique.

She also thanked the group of fishermen who she took a boat ride with.

Hindi napigilan ng mga netizen na ibahagi ang mga pupuwedeng luto sa isdang hiwas at iba pang lamang-dagat.

Dinig na dinig ang excitement sa boses ni Jean sa Reels na panay dayalog ng: “It’s Palm Sunday!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here