Home ENTERTAINMENT Jenny Roa, bumabangon, nagbabantay na sa pisonet!

Jenny Roa, bumabangon, nagbabantay na sa pisonet!

Manila, Philippines – Matatandaang natunton ni Julius Babao ang kinaroroonan ng dating artistang si Jenny Roa.

Nagsimula si Jenny sa programang That’s Entertainment ni German Moreno.

Ilan ding pelikula ang nagawa niya kung saan sexy ang kanyang imahe.

Tong 2019 nang madakip si Jenny on drug charges.

Mula noon ay naging masalimuot na ang buhay ng dating Viva star.

Maging ang personal niyang buhay ay damay na rin.

Sa pagsasaliksik ni Julius, nakuha niyang dalawin si Jenny sa tinitirhan nito sa Pasay City.

Siya’y namamasukan bilang tagabantay ng pisonet na pag-aari ng may-ari ng kanyang tinutuluyan.

Mababakas pa rin ang taglay na ganda ni Jenny.

Sa kuwento niya kay Julius ay apat na ang naging anak niya.

Iba-iba ang mga tatay nito.

Hindi rin nakatira ang mga ito sa kanya.

Pero nabalitaan ni Jenny na dalawa sa apat niyang anak ay mga propesyonal na: isang abogado at isang dentista.

Ang ikinasasakit ng loob ni Jenny ay hindi raw siya makalapit sa mga ito.

Mararamdaman ang sobrang pagsisisi ni Jenny sa kanyang mga pagkukulang sa apat na anak.

Pero hindi raw siya nawawalan ng pag-asa na darating din ang panahong matatanggap din siya ng mga ito: “I’m so sorry if I never took care of you while you were growing up. But every night I pray that you’ll learn to forgive me for my shortcomings.”

Pakiusap lang niya sa mga ito, kung sinuman daw ang mga magulang na pumalit sa kanyang puwesto: “Be good to them!”

Naging exclusive feature noon ng programang Startalk sa GMA ang kuwento ni Jenny.

‘Yun ang kasagsagan ng pagkagumon niya sa ipinagbabawal na gamot, dahilan para masira ang kanyang buhay.

Like anyone else whose life has gone wayward, Jenny deserves another chance. Ronnie Carrasco III