Home ENTERTAINMENT Jerald at Kim, tinulugan ang unang gabi bilang mag-asawa!

Jerald at Kim, tinulugan ang unang gabi bilang mag-asawa!

166
0

Manila, Philippines – Mas piniling matulog na lang ng newlywed na sina Kim Molina at Jerald Napoles noong unang gabi ng kanilang kasal.

Matatandaang ikinasal ang matagal nang magnobyo kamakailan isang beach resort sa Bohol.

Sa mediacon ng kanilang bagong pelikula, natanong ang couple tungkol sa kanilang first night.

Ani Kim: “Lasing kaming lahat! Open naman kami ni Je na nagli-live in na kami since pandemic.”

Ang siste, nagbalik-tanaw lang daw sila ni Jerald kung ano ang naganap sa mermaid-themed wedding nilang ‘yon.

Kung ilarawan nga ng couple ang kanilang pag-iisana-dibdib: “It was magical!”

Nag-usap lang daw sila sa loob ng limang minuto, after which ay natulog na.

May explanation si Kim why they chose March 1 as their wedding date.

Napagdesisyunan daw niya mismo na pagkatapos ng party ay bale salubong sa kaarawan ni Jerald.

Hindi pa daw kasi nagkaroon ng party ang mister ever in his life.

First time daw ‘yon kung saan parehong naroon ang mga magulang ni Jerald: “Basically, after the wedding were moments with people close to us.”

Kapwa masaya ang couple noong araw na ‘yon dahil nakisama ang panahon.

Earlier kasi’y umuulan, which the couple feared would spoil their wedding day. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here