Home METRO ‘Rasonabe gang’ leader na sangkot sa sunod-sunod na nakawan sa Bulacan timbog...

‘Rasonabe gang’ leader na sangkot sa sunod-sunod na nakawan sa Bulacan timbog sa Rizal

125
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang lider ng grupong sangkot umano sa ibat-ibang kaso sa manhunt operation ng mga awtoridad sa lalawigan ng Rizal nitong tanghali ng Marso 24.

Sa ulat, kinilala ang naaresto na isang alyas “Gwaping”, 29-anyos na umanoy tumatayong lider ng “Rasonabe Criminal Gang.

Ayon sa ulat, naaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit-Bulacan, Bulacan 1st PMFC, Calumpit police station, Regional Intelligence Division 3, RSOG 3, RIU 3, Taytay police station at PIU Rizal bandang 12:50 ng tanghali sa Sitio Sapang Putol, Brgy. San Juan, Taytay.

Nabatid na isinagawa ang pag-aresto batay sa ilang warrant of arrest na inilabas ng mga korte sa Rizal kaugnay ng mga kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law, robbery at theft na may kabuuang piyansang umaabot sa P430,000.

Nalamang ang suspek ay iniuugnay sa sunod-sunod na insidente ng pagnanakaw sa mga bayan ng Bocaue, Calumpit, Bustos at Balagtas sa Bulacan at ilang bahagi ng Rizal.

Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang kanyang posibleng pagkakasangkot sa holdapan kamakailan sa isang bahay sa Calumpit na umanoy natangayan ng mga mamahaling alahas

Nakumpiska sa suspek ang ibat-ibang alahas, 9mm na baril, mga bala, mamahaling mga cellphone, isang tablet, mga pekeng ID, cash na P187,000.

Sinasabing kabilang din sa watchlist ng intelligence unit sa Rizal ang suspek na nahaharap sa patong-patong na kaso habang nasa kustodiya ng Calumpit police station. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here