Home ENTERTAINMENT Jeric, solo flight sa GMA Gala!

Jeric, solo flight sa GMA Gala!

228
0

Manila, Philippines — Solo flight.

Ito ang eksenang nasaksihan sa pagdalo ni Jeric Gonzales sa GMA Gala noong Agosto 2 na ginanap sa Marriott Hotel, Pasay City.

Hindi tulad ng nakaraang taon na sa parehong venue rin ginanap, mag-isang rumampa ang Kapuso actor sa red carpet — wala ang kanyang nobya na si Rabiya Mateo.

Ayon sa ulat, anim na buwan na raw hiwalay ang dating magkasintahan. Napag-alamang si Rabiya umano ang nagpasya na tapusin ang kanilang relasyon.

Marami ang nagsabing hindi na ikinagulat ng publiko ang kanilang hiwalayan, lalo na’t kilala ang relasyon nila sa pagiging on-and-off.

Mismong si Rabiya ang nagsabing naka-focus muna siya ngayon sa kanyang career, lalo na’t nag-iipon siya para sa pagpapatayo ng dalawang bahay.

Samantala, tila mabagal naman ang takbo ng karera ni Jeric sa kasalukuyan.

Matatandaang humupa na ang kontrobersiyang may kinalaman sa umano’y pagkakaroon niya ng gay benefactor — isang isyu na umabot pa sa atensyon ng GMA Network.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here