Isa ng ganap na ama si Jeron Teng matapos magsilang ng isang malusog na baby girl ang kanyang asawa.
Noong Linggo, ibinahagi ni Teng sa social media na ipinagdiwang nila ng kanyang asawang si Jeanine ang pagdating sa kanilang buhay ng kanilang unang anak.
“Welcomed the birth of our beautiful baby girl, Jorgina Brianna,” isinulat ni Teng.
Salamat Panginoon sa isang malusog na sanggol, at sa ligtas na panganganak ng aking asawa.”
Sasabak ang PBA team ni Teng na San Miguel sa Governors’ Cup best-of-seven semifinals laban sa Barangay Ginebra simula ngayong Miyerkules.