WALANG Greg Slaughter para sa Manila SV Batang Sampaloc sa do-or-die Game 2 match nito laban sa Caloocan sa quarterfinals ng MPBL Season 6.
Hindi pinagbigyan ng liga ang apela ni Slaughter at ang apela ng Manila na alisin ang isang larong suspensiyon na ipinataw sa 7’0 center matapos ang dalawang flagrant foul infractions sa 79-78 pagkatalo ng Stars sa Batang Kankaloo noong Sabado.
Ito ay matapos mahuli siyang siniko si Joshua Flores sa second quarter, at sinampal si Romel Calamat sa fourth period ng mainit na laro na nag-udyok sa kanyang ejection at tuluyang masuspinde.
Si Slaughter ay may 16 puntos at 10 rebounds sa pagkatalo.
Sa isang liham kay Manila team manager Adoe Kristov Salazar, ipinaliwanag ng league technical head na si George Magsino na technical foul lamang ang maaaring iapela, dahil itong mga usual foul ay ‘no contact.’
Dahil ang parehong mga paglabag ni Slaughter ay pisikal, na ang kanyang unang flagrant foul ay itinuring sa itaas ng balikat, ang suspensyon sa dating PBA Best Player of the Conference ay pinagtibay.
Ngayon, kakailanganing mag-rally ng Manilenos sa likod ng kanilang home team sa pagharap nila sa delikadong Batang Kankaloo nang wala ang kanilang anchor ngayong Sabado sa San Andres Gym sa Maynila.