MANILA, Philippines – Ipinakita ni Melvin Jerusalem ang husay sa ring nang talunin si Luis Castillo para mapanatili ang World Boxing Council (WBC) minimumweight belt noong Linggo, Setyembre 22, sa Manny Pacquiao Presents: Blow by Blow sa punong Mandaluyong City College Gym.
Nangibabaw mula sa opening bell nang pabagsakin niya ang Mexican sa pamamagitan ng kanang suntok sa baba, nanalo si Jerusalem sa pamamagitan ng lopsided unanimous decision, 120-107 dalawang beses at 118-109, sa kanyang unang title defense.
Sa ikalawang round, si Jerusalem ay nagpatama ng apat na kanang suntok na nagpasuray sa Mexican subalit nailigtas ng bell.
Ipinagpatuloy ni Jerusalem ang kanyang pag-atake sa 3rd round,gamit ang malikot na kanang kamao at isang pinatawang kaliwa.
Inilipat ni Jerusalem ang kanyang pagtuon sa katawan sa ikaapat, kung saan nakapagpatama ang Mexican ng isang solid lefts.
Mahusay sa kontrol, si Jerusalem ay gumawa ng ilang showboating sa ikaanim at ika-12 at huling round.
Itinaas ng 30-anyos na si Jerusalem ang kanyang record sa 22-3 na may 12 knockouts.
Natikman naman ni Castillo ang kanyang unang pagkatalo matapos ang 21 panalo at tabla na may 13 knockouts.
Kaya tinupad ng Jerusalem ang kaniyang pangako na ipagtatanggol niya ang 105-pound na korona sa harap ng kaniyang mga kababayan.
“Hindi ko nagawa ang isang knockout dahil malakas din siya,” sabi ni Jerusalem.
Sinabi ni Sanman Promotions head JC Manangquil na susubukan nilang ayusin ang unification bout para sa Jerusalem sa unang bahagi ng susunod na taon.JC