MANILA, Philippines- Itinanggi ng Malacañang nitong Linggo na lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore upang manood ng 1 Grand Prix.
“He [Marcos] did not go to Singapore,” pahayag ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez nang tanungin hinggil sa umano’y pagbiyahe ng Pangulo sa city-state upang manood ng Singapore Grand Prix.
Dagdag ni Chavez, kabilang sa schedule ni Marcos nitong weekend ang pananatili sa bahay kasama ang kanyang pamilya, shooting ng kanyang weekly vlog, at pag-review at paglagda sa mga dokumento.
Sa video message na ipinalabas sa social media nitong Linggo, pinasalamatan ni Marcos lahat ng bumati sa kanya sa kanyang kaarawan noong Sept. 13.
“Maraming salamat sa inyong mainit na pagbati!” wika ni Marcos.
“Patuloy natin isusulong ang mas malawak at mas abot-kamay na serbisyong medikal para sa bawat Pilipino,” aniya pa. RNT/SA