Home NATIONWIDE Pagpapatupad ng revised toll guidelines muling ipinagpaliban ng DOTr

Pagpapatupad ng revised toll guidelines muling ipinagpaliban ng DOTr

MANILA, Philippines- Muling inilipat ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng revised guidelines sa toll expressways sa susunod na taon.

“The DOTr has the tools to address congestion on major roads but is taking time for a thorough review to ensure these solutions meet motorists’ needs,” pahayag ni Transport Secretary Jaime Bautista nitong Linggo.

Posibleng umiral ang penalties para sa paglabag sa Joint Memorandum Circular No. 2024-001 o ang Revised Guidelines for All Vehicles on Toll Expressways simula sa Enero sa susunod na taon, base kay Bautista.

Kasado sana ang implementasyon ng revised toll guidelines noong Agosto 31 subalit inilipat ito sa Oktubre 1.

Nilagdaan ang joint memorandum circular ng DOTr, Toll Regulatory Board, at Land Transportation Office upang ipatupad ang cashless toll collection gamit ang Radio Frequency Identification (RFID).

Sinabi ng DOTr na bubusisiin ang impormasyon mula sa public consultation, kabilang ang datos sa violators, para sa posibleng pag-amyenda sa circular.

“We will implement the program, excluding the penalties,” wika ni Bautista. RNT/SA