Home NATIONWIDE Jesse Andres itinalaga bilang OIC chairperson at chief executive officer ng ERC

Jesse Andres itinalaga bilang OIC chairperson at chief executive officer ng ERC

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Jesse Hermogenes T. Andres bilang officer-in-charge chairperson at chief executive officer ng Energy Regulatory Commission.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang pagkakatalaga kay Andres ay ginawa, araw ng Biyernes at kaagad na magiging epektibo, makikita ito sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nauna rito, inilagay ng Office of the Ombudsman si ERC chairperson Monalisa Dimalanta sa ilalim ng six-month preventive suspension matapos nitong payagan ang Manila Electric Company na kumuha ng elektrisidad sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at ipasa ang gastos sa mga consumers na walang pag-apruba mula sa regulatory body.

Ipinalabas naman ang anti-graft body ang naturang kautusan base sa reklamo ng isinampa ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (Nasecore), sinasabing ang naging aksyon ni Dimalanta ay di umano’y paglabag sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Sinabi naman ni Dimalanta na naghain na siya ng motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman na may kinalaman sa kanyang six-month preventive suspension.

Matatandaang, itinalaga si Dimalanta bilang chairman ng ERC ni Pangulong Marcos noong 2022, at mapapaso ang kanyang termino sa July 2029. Kris Jose