Home ENTERTAINMENT Jhong, flinex ang music video ng anak!

Jhong, flinex ang music video ng anak!

Manila, Philippines – Hindi malayong magkaroon ng future recording artist si Jhong Hilario sa katauhan ng kanyang anak na si Baby Sarina.

Ipinagmalaki nga ng TV host-actor ang kauna-unahang music video ni Sarina who’s only two years old.

Kahanga-hanga nga ang bigay na bigay na pag-awit ni Sarina ng cover song na standard hit na Fly Me to the Moon.

So far, umani na ito ng 1.5 million views and still counting.

Ayon sa proud dad, one year old pa lang daw ang kanyang anak nang matutunang kantahin ang nasabing awitin.

On the music video, aakalain mong professional singer si Sarina sa asta’t porma nito with matching movements pa.

Two years old din nang matutunan ni Sarina at maging bihasa sa alphabet at picture game.

Hindi nga napigilan ng Amerikanang content creator na si Ovela na mapahanga kay Sarina.

Based in Canada, si Ovela ay isang music producer at sound engineer.

“She’s so adorable!” bulalas niyang paghanga sa bibong-bibong bata.

Si Baby Sarina ay madalas karayin ni Jhong sa It’s Showtime kung saan siya regular host.

Definitely, she’s a recording artist in the making! Ronnie Carrasco III

Previous article17 barko na sangkot sa dredging sa Zambales hinarang ng PCG
Next articleLalaki hinigop ng ilog, dedbol!