Home METRO Lalaki hinigop ng ilog, dedbol!

Lalaki hinigop ng ilog, dedbol!

ILOCOS SUR-Patay ang isang 55-anyos na lalaki matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Pandan, Caoayan ng lalawigang ito kaninang madaling-araw, Marso 23.

Kinilala ng Caoayan Municipal Police Station ang biktima na si Samuel Abrogena y Arafiles, may asawa, residente ng Brgy. Tamag, Vigan City, Ilocos Sur.

Bandang 2:00 ng madaling-araw nang makatanggap ng cellphone call ang Caoayan MPS tungkol sa drowning incident sa naturang lugar.

Ang biktima na nakitang palutang-lutang sa ilog ay agad na na-retrieve at nadala sa pampang ng tabing-ilog.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Walang makitang signs of injury at foul play sa katawan ng biktima.

Bago ang insidente, madalas umanong makitang mag-isa ang biktima sa gilid ng ilog ng Brgy. Pandan, Caoayan, Ilocos Sur malapit sa Pandan boardwalk. Rolando S. Gamoso

Previous articleJhong, flinex ang music video ng anak!
Next articleDOH, USAID naglaan ng P1.15B sa TB screening ng isang milyong Pinoy