Home ENTERTAINMENT Jillian, binansagang ‘Pambansang Fianceeé’!

Jillian, binansagang ‘Pambansang Fianceeé’!

Manila, Philippines – May karagdagan sa titulo ni Jillian Ward bukod sa siya ang kinatawan ng Gen Z o makabagong panahon.

The lead star of Abot-kamay na Pangarap has earned the moniker Pambansang Fianceè.

Matatandaang game na sinakyan ng Kapuso actress ang isang male fan na matiyagang nag-abang sa kanya while on motorcade.

Sukat ba namang lumapit ang lalaking tagahanga at sinuotan siya ng engagement ring na tila nagpo-propose.

Nasundan ‘yon ng similar incident.

This time, grupu-grupo ng mga kalalakihan ang nangahas lumapit sa kanya habang nasa motorcade.

Kanya-kanya sila ng wagayway ng singsing para isuot kay Jillian.

Ikinaaliw naman ito ng aktres kahit ang isa sa mga singsing na game niyang isinuot ay may kala-kalawang ра.

While on motorcade, panay display ng kanyang mga daliri si Jillian na may singsing.

Halos mapuno na nga ang isang kamay niya with the rings on her fingers.

At least, behaved ang mga male fans niya na nag-enjoy sa kanilang playtime.

Walang nangahas na manghipo o gumawa ng ‘di maganda kay Jillian.

Nag-trending nga ang mga eksenang ‘yon.

Feeling ng mga netizens, “inspired” ‘yon ng kontrobersyal na P299 halaga ng singsing na ibinigay ng isang lalaki sa kanyang nobya kamakallan.

Ginawan pa kasi ‘yon ng random survey among the girls kung okey din ba sa kanila na

makatanggap ng P299 na singsing mula sa mga dyowa nila. Ronnie Carrasco III

Previous articleMag-amang magsasaka timbog sa mga baril, bala sa Bulacan
Next articleIvana, abswelto kay Mayor Albee; Angeli Khang, ‘guilty’?