Home ENTERTAINMENT Jinkee at Dra. Vicki, top branded bag collectors!

Jinkee at Dra. Vicki, top branded bag collectors!

253
0
(c) ABS-CBN

Manila, Philippines – Sa hanay ng mga kilalang lokal na personalidad, sino sa tingin n’yo ang may pinakamaraming koleksyon ng luxury bags?

Sa dami nga nito, maaaring katumbas na ng halaga ng mga bag ang presyo ng malalaking bahay sa mga gated subdivision sa Metro Manila.

Siret?

Si Jinkee Pacquiao lang naman ang may hawak ng rekord bilang may mahigit 600 na iba’t ibang branded signature bags.

Name it, tiyak meron siya!

Sumunod sa misis ng Pambansang Kamao ay si Dra. Vicki Belo.

Tinatayang nasa 400 bags naman ang nasa kanyang koleksyon.

Ang maganda naman kay misis ni Hayden Kho, very generous siya sa pagreregalo ng mga branded bags.

Kabilang sa mga nakakatanggap ng mga signature bags ay ang mga taong malapit sa kanya—kasama na sina Alex Gonzaga, Maris Racal, at iba pa.

Sumunod kay Dra. Vicki sa listahan ay sina Marian Rivera, Heart Evangelista, at Mariel Rodriguez.

Sa kaso ni Heart, malaki ang “pakinabang” ng kanyang mga bag dahil ginagamit niya ito sa pagdalo sa mga fashion week abroad, lalo pa’t isa na siyang global fashion icon.

Sa kanilang lahat, sa ngayon ay tanging si Mariel ang wala pang anak na babae na pwedeng pagmamanahan ng kanyang koleksyon.

Samantalang sina Jinkee, Dra. Vicki, at Marian ay may mga anak na babae na posibleng magmana ng kanilang mga bags, habang si Heart ay may stepdaughter.

Si Sharon Cuneta kaya, pang-ilan sa mga bag collectors? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here