Wala nang pagpalag pa si Sylvia Sanchez nang ibisto siya ng kanyang co-producer kung ano ang mga pinaggagawa nito habang nasa Cannes Film Festival kamakailan.
The award-winning actress was at the annual event dahil kasali ang ipinrodyus niyang Renoir sa 78th Cannes Filmfest.
Sa pambubuko nga kay Sylvia ng kanyang business partner, wala raw ginawa ito kundi ipamili ang kanyang apo.
Si Baby Sabino, na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, ang tinutukoy ng co-producer ng aktres.
Spoiled ngang matatawag si Sabino sa kanyang lola.
Pero depensa ng first-time granny: “Real talk lang tayo… sino ba namang lolo o lola ang hindi, lalo’t pag iniyakan na siya ng kanyang apo?”
May hangganan o limitasyon naman daw ang pagiging spoiler niya.
Sylvia, for one, doesn’t encroach upon the parents’ rights.
Ito’y lalo na sa usapin tungkol sa pagpo-post ng mga photos sa social media.
The actress-producer makes sure she gets clearance or permission from Sabino’s celebrity parents.
Isinasaalang-alang din kasi ni Sylvia ang kapakanan ng kanyang apo laban sa mga naglipanang bashers.
Walang habas din naman kasi kung mam-bash ang ilang netizens, lalo’t walang kalaban-laban ang mga babies na tinatarget nila.
On that aspect, naiintindihan daw ni Sylvia sina Ria at Zanjoe kung ayaw man nilang i-expose si Sabino sa social media.
But one thing’s for sure—kulang na lang ay mula sa kanyang sinapupunan galing ang apo.
Sylvia is such a doting grandma: “Naku, ang guwapo-guwapo ni Sabino… pinaghalong Ria at Zanjoe!”