Home HOME BANNER STORY P1 dagdag-pasahe sa dyip sasalubong sa Hulyo

P1 dagdag-pasahe sa dyip sasalubong sa Hulyo

288
0

MANILA, Philippines – Inaasahang aprubahan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pansamantalang ₱1 dagdag-pasahe sa mga tradisyonal at modernong jeep sa unang linggo ng Hulyo, bilang tugon sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Ang dagdag-singil ay bahagi ng matagal nang hirit na ₱5 taas-pasahe ng ilang transport groups mula pa noong 2024.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, pinag-aralan na ng board ang kahilingan at naghihintay na lang ng kumpirmasyon mula sa NEDA bago ito ipatupad.

“Sa amin ho, sapat na ho yung piso,” ani Guadiz.

Aminado siyang dagdag-pasahe ay dagdag-pasanin sa commuters, pero kailangan ito upang hindi magsara ang mga jeepney operators.

Patuloy rin ang pag-review ng fare hike para sa provincial buses, habang umatras na muna sa hirit ang city buses sa Metro Manila dahil sa matinding kumpetisyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here