Manila, Philippines – It had to take a close family friend to defend Manny Pacquiao against criticisms with regard to being a generous dad to his son Eman Bacosa Pacquiao.
Of late kasi ay napupulaan ang Pambansang Kamao dahil umano sa mga pagkukulang nito sa anak.
Unang ipinuntos laban kay Pacman ay ‘di man lang pagbibigay nito ng mayos na tirahan kay Eman, as featured in Kapuso Mo, Jessica Soho.
Nakatira kasi si Eman at pamilya nito sa isang payak na tahanan sa North Cotabato.
Sinundan ito noong ipag-shopping ng mag-asawang Dr. Vicky Belo at Hayden Kho si Eman.
The couple gifted Eman an expensive watch.
Napulaan uli si Manny dahil doon.
Minsan nang iginiit ni Eman na balewala ‘yon sa kanya, even treating it as a non-issue dahil okey naman sila ni Manny.
Nakiusap pa nga si Eman na huwag nang gawan ng isyu ‘yon.
All this time, nananatiling tahimik at walang reaksyon si Pacman tungkol dito until a family friend–who’s Bernard Cloma–came to Manny’s defense.
Ayon kay Bernard, as far as giving Eman a pricey watch ay nagbigay naman si Manny sa anak.
Sa katunayan, isang wristwatch na ang tatak ay Patek Philippe ang naibigay ng ama.
Kung sa pabahay naman ang pag-uusapan, noong pandemic ay binigyan ni Manny ng apartment si Eman.
Doon nga raw nagte-training ito sa larangang pinasok at pinagtagumpayan ng ama, ang boxing.
Hiningan ng reaksyon si Jinkee Pacquiao ukol dito, pero tumanggi siyang magsalita.
Jinkee, however, assured the public na walang isyu sa pagitan nila at ni Eman.
Short of saying na huwag na silang gawan ng intriga! Ronnie Carrasco III