Home ENTERTAINMENT Jiro, binentahan ng cellphone si Ai Ai!

Jiro, binentahan ng cellphone si Ai Ai!

Manila, Philippines – Laking gulat ni Ai Ai delas Alas nang padalhan siya ng mensahe sa Messenger ng itinuring niyang anak-anakan na si Jiro Manio.

Matatandaang si Ai Ai ang dahilan kung bakit naparehab ang aktor na noo’y lulong sa bisyo.

Dahil tila nawawala sa sarili, hindi siya pinagkaitan ng tulong ni Ai Ai na nakasama niya sa pelikulang Tanging Ina.

Taong 2015 nang maispatan sa NAIA Terminal 3 si Jiro na umaasang makikita ang kanyang biological dad na isang Hapon.

Umabot ‘yon sa puntong inilipat ni Ai Ai si Jiro sa isang rehabilitation facility.

Nawala lang ang kanilang komunikasyon nang mabalitaan ni Ai Ai na nagbalik sa bisyo ang dating aktor.

Ayon sa nalathala sa PEP, ikinagulat ng komedyana ang natanggap na mensahe mula kay Jiro through Messenger kamakallan lang.

Ang pakay ni Jiro’y para ibenta kay Ai Ai ang isang cellphone sa halagang P38,000.

Batid ni Ai Ai ang pinansyal na katayuan ni Jiro, na nakuha ngang ibenta kay Boss Toyo ang Best Actor trophy nito sa Urian sa tindi ng pangangailangan.

Binili ni Boss Toyo ang nasabing tropeo sa halagang P75,000.

Dahil hindi na iba sa kanya, willing pa rin namang tulungan ni Ai Ai si Jiro.

Sa katunayan, kinukunsidera nga niya itong kunin para sa reunion movie na binubuo ng original cast ng Tanging Ina.

Minasama nga lang ng kampo ng film arm na nagprodyus nito ang walang malisyang pagtatanong ni Ai Ai, dahilan para tanggalin ang artikulo tungkol doon. Ronnie Carrasco III