Manila, Philippines – Posible raw na nagkabati na sina Darren Espanto at JK Labajo sa nakaraang ABS CBN Ball.
Sa isang group photo kasi na pinost ni Karen Davila kasama sina Small Laude, Sofia Andres at ilang kaibigan, nahagip ng kamera sa likod nila na nag-uusap sina Daaren at JK.
May kasama pang isang lalaking nakatalikod.
Kaya naman ang netizens ay naniniwalang nagkabati na ang dalawang Kapamilya stars.
Magka-batch sa The Voice Kids ang dalawa noong 2014.
2018 ay nagkaroon sila ng matinding awayan.
May kumalat kasing post sa Twitter (X na ngayon) noon na umano’y galing kay JK na nagsasabing, “@Espanto2001 gayness at its finest.”
Nag-viral agad ito at na-bash nang husto si JK.
Pero mariin itong pinabulaanan ni JK.
Sa aming interview sa kanya noon ay sinabi niyang na-hack ang kanyang account.
Nang i-message niya raw si Darren noon ay hindi ito naniwala.
Kasunod nito, nagsampa ng cyber libel case laban kay JK ang nanay ni Darren na si Marinel Gonzales-Espanto noong 2019 pero ang balita namin ay na-dismiss na raw ito.
Matagal na tagal na panahon din ang naging alitan nila pero last year, sa first major concert ni JK, nang tanungin kung willing siya na makipag-collab kay Darren, say niya ay bakit naman hindi.
Sana nga ay nagka-ayos na sina Darren at JK. Rommel Placente